Panukalang early holiday break sa public schools, hindi inaprubahan ng DepEd

by Radyo La Verdad | October 13, 2016 (Thursday) | 1297

deped-facade
Hindi inaprubahan ng Department of Education ang panukala ng Senate Committee on Public Services na pagbakasyunin na simula sa December 8 ang mga estudyante sa mga pampublikong paaralan upang makatulong sa pagpapaluwag ng trapiko sa holiday season.

Ayon kay DepEd Asst Sec. Tonisito Umali, ito ang napagdesisyunan ng kagawaran sa isinagawang executive meeting kahapon kasama si Sec.Leonor Briones.

Paliwang ni Asec Umali, isinaalang-alang nila sa desisyon ang magiging epekto nito sa bilang ng school days ng mga mag-aaral sakaling ipatupad ang early holiday break.

Nakasaad sa Department Order 23 of 2016 at sa Republic Act number 7797 na dapat ay makumpleto ng mga mag-aaral ang 220 school days.

Batay sa school calendar ng DepEd, sa December 22 pa ang simula ng holiday break at nakatakdang magresume ang klase sa January 2 o 3 2017.

Handa namang magsumite ang DepEd ng kopya ng kanilang desisyon kay Sen.Grace Poe.

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

Tags: ,