Panukalang dobleng sahod para sa mga sundalo at pulis, tiniyak na maipapasa sa Kamara

by Radyo La Verdad | October 23, 2017 (Monday) | 2670

Tiniyak ng House Committee on Appropriations na maipapasa sa Kamara ang una nang ipinanukala ni Pangulong Rodrigo Duterte na doblehin ang sweldo ng mga pulis at sundalo.

Ayon kay Committee Chairman Karlo Nograles, dapat lang itong ibigay sa mga sundalo matapos nilang ma-neutralize ang lider ng mga terorista na responsible sa kaguluhan sa Marawi City na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.

Ayon kay Nograles, naisumite na ng Department of Budget and Management sa Kamara at Senado ang draft resolution na magbibigay ng 100-porsiyentong dagdag sahod sa mga pulis at sundalo.

Tiniyak din nilang maaaprubahan ang resolusyong ito sa pababalik ng sesyon sa November upang maisakatuparan ang pangako ng Pangulo.

Target ng kumite na agad itong ma-implement sa January 2018.

 

 

Tags: , ,