Panukalang dagdag na 2 libong piso sa SSS pension, hindi inaprubahan ni Pangulong Aquino

by Radyo La Verdad | January 14, 2016 (Thursday) | 3258

joeie_pnoy
Hindi nilagdaan ng Pangulong Benigno Aquino III ang House Bill 5842 o panukalang nagdadagdag ng dalawang libong piso sa buwanang pension ng mga SSS pensioner.

Paliwanag ni Pangulong Aquino, ang stabilidad ng kabuuang SSS benefit system na sa kasulukuyan ay may tatlumpu’t isang milyong miembro ay makokompromiso dahil sa pabor na maibibigay sa dalawang milyong pensioners at dependents nito kapag naisabatas ito.

Ang annual investment income lamang aniya ng SSS ay nasa P30B hanggang P40B kaya kapag naging P2,000 ang pension ng mahigit sa 2 milyong pensioners, mangangahulugan ito ng P56B na total payout taun taon.

Magbubunga aniya ito ng kalugihan sa naturang ahensya ng tinatayang P16B hanggang P26B taun taon.

“…the P2,000 across-the-board pension increase with a corresponding adjustment of the minimum monthly pension will result in substantial negative income for the SSS.” Pahayag ng Pangulo. “More specifically, the proposed pension increase of P2,000.00 per retiree, multiplied by the present number of more than two million pensioners, will result in a total payout of P56 billion annually. Compared against annual investment income of P30 billion – P40 billion, such total payment for pensioners will yield a deficit of P16 billion – P26 billion annually…”

Bukod pa dito, mapipilitang magamit aniya ng agensya ang Investment Reserve Fund (IRF) para sa pension increase na dahil dito aniya ay tuluyan itong mauubos pagdating ng taong 2029.

(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)

Tags: , , ,