Halos dalawang libong Pilipino ang namamatay araw-araw o mahigit kalahating milyon kada taon dahil sa sakit sa puso at iba’t-ibang kumplikasyon sa puso. Pangunahing dahilan nito ay ang paninigarilyo at pag-inom ng alak.
Sa layong mabawasan ang mga naninigarilyo sa bansa ipinasa na ang kamara ang panukalang batas na naglalayong itaas ang buwis sa sigarilyo at alak.
Sa bersyon ng Kamara, limang piso ang itataas ng presyo ng sigarilyo simula 2019.
Dagdag 2 piso and 50 sentimo naman ang ipapataw mula 2020 hanggang sa 2022. At mula 2023, tataas pa ito ng 4% taon-taon.
30 piso naman ang ipapataw na dagdag-buwis sa net retail price ng mga alcohol products simula 2019. Tataas ito ng limang piso mula 2020 hanggang 2022. At pagsapit ng 2023, 7% tax naman ang itataas kada taon. 28-40 piso naman ang madadagdag sa fermented liquors at sparkling at carbonated wines.
Ang kikitain sa dagdag-buwis na ito ay gagamitin para pondohan ang universal health care program ng pamahalaan.
Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na 257 bilyong piso ang kailangan nila para sa unang taon ng implementasyon ng universal health care program.
( Grace Casin / UNTV Correspondent )
Tags: dagdag buwis, Kamara, sigarilyo at alak