Panukalang curfew hours sa buong Metro Manila, hindi pa aprubado ni Pangulong Duterte – Malacañang

by Erika Endraca | March 16, 2020 (Monday) | 3625

METRO MANILA – Matapos na maianunsyo nitong araw ng Sabado (March 14, 2020) ang napagkasunduan ng Metro Manila Council na pagpapatupad ng curfew hours sa buong Metro Manila, nilinaw ng Malacañang na di pa ito aprubado ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, maaaring magpatupad ang mga lokal na pamahalaan ng kani-kaniyang curfew sa kanilang nasasakupan sa pamamagitan ng isang ordinansa hangga’t hindi pa aprubado ng Pangulo ang nationwide curfew.

Sa ngayon ang mga lungsod palang na nagpapatupad ng curfew ay ang; Muntinlupa ; Makati ; Pasig, Taguig, Las Pinas at Caloocan City.

Sa Quezon City naglabas na ng Executive Order si Mayor Joy Belmonte kaugnay sa pagpapatupad nito.

Sa San Juan City naman, sumulat na si Mayor Francis Zamora Sa City Council upang pagusapan ang pagpapatupad ng curfew sa kanilang lungsod.

Samantala umiiral narin ang curfew sa ibang mga probinsya sa Naga City; Legazpi City; Cebu Province at sa Eastern Samar.


(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,