Panukalang constitutional convention para sa federal system of government, inihain na sa kamara

by Radyo La Verdad | June 30, 2016 (Thursday) | 973

Federalism
Nanawagan na ng constitutional convention si incoming House Speaker Pantaleon Alvarez para sa agarang aksyon na maaaring gawin ng dalawang kapulungan ng Kongreso upang palitan ng federalism ang kasalukuyang sistema ng gobyerno.

Siya ang pinakaunang naghain ng concurrent resolution sa 17th Congress.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na isang sanhi ng kahirapan sa bansa ang pagpapatupad ng unilateral system.

Kung saan kailangan pang iremit ng provincial government ang kita ng probinsya sa national treasury at ang national treasury din ang magpapasya kung magkano lamang ang ibinigay sa bawat probinsya.

Samantalang sa federal form of government mas makikinabang ang mga bawat isang pilipino dahil dito ang income ng bawat probinsya ay pakikinabangan ng mga mamamayan doon.

Base sa Article 17 Sec 3 ng 1987 constitution maaaring isagawa ang constitutional convention kung makakakuha ng majority o 2/3’s vote sa kongreso.

Kabilang rin sa nga mauunlad na bansa ngayon gaya ng Amerika, Germany, Canada, Mexico, India at Australia ay gumagamit na ng sistemang federal.

Ayon kay Sen Vicente Sotto III pag-aaralan nila ito sa senado.

Ang panukalang pagbuhay sa death penalty ay kapwa naihain na rin sa Lower House at Senado.

(Grace Casoin/UNTV Radio)

Tags: