Panukalang BBL na inihain sa Kamara, hango sa orihinal na bersyon ng Bangsamoro Transition Commission noong 2014

by Radyo La Verdad | October 3, 2017 (Tuesday) | 2917

Noong Biyernes pormal nang inihian ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang House Bill Number 6475 o ang panukalang Bangsamoro Basic Law.

Ibang-iba ito sa bersyong isinulong noong sa 16th Congress sa ilalim ng Aquino administration. Sa title palang ng panukalang batas ibang-iba na.

Sa bagong bersyon, tuluyang pagbuwag sa Autonomous Region of Muslim Mindanao o ARMM.

Ilan pa pagkakaiba nito sa luma ay ang mga probisyon sa contiguous territory, electoral system, reserved powers, other exclusive powers, salaries of parliament members, appropriations, wali ,bangsamoro justice system, fiscal autonomy, reserved powers at public order and safety.

Matatandaaang naudlot ang pagpasa ng BBL noong 16th Congress nang mangayri ang Mamasapano incident.

Gayunman, tiwala ang Kamara na maipapasa ang panukalang batas na ito sa kabila ng kasalukuyang gulong nangyayari sa Marawi City. Target ng Kamara na maipasa ang BBL bago matapos ang taon.

Nasa halos 100 kongresista na ang lumagda bilang co-author ng panukalang BBL. Ngunit una nang sinabi ni dating Chief Justice Reynato Puno na maaaring muling kwestiyunin ang constitutionality ng panukalang BBL sa Korte Suprema.

Para sa kaniya, mas maiging unahin munang magkaroon ng charter change o pagbabago sa saligang batas ng bansa.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,