Panukalang BBL, aprubado na sa committee level sa Kamara

by Radyo La Verdad | April 18, 2018 (Wednesday) | 4957

Sa executive session ng House committee on Muslim affairs, peace and reconciliation at local government kahapon, ipinasa ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL). Walang anomang ammendment na ginawa ang kumite sa ipinasang BBL.

Ito rin ang bersyong isinumite ng Bangsamoro Transition Commission (BTC) sa Kongreso.

Subalit kinwestiyon ni Zamboanga City 1st District Representative Celso Lobregat kung bakit walang anomang pagbabagong ginawa sa ipinasang BBL.

Nasayang lang aniya ang mga pagdinig na isinagawa ng mga mambabatas sa Metro Manila at Mindanao dahil dito.

Ayon naman kay Anak Mindanao Party-list Representative Amihilda Sangcopan, hindi nila tatanggapin ang watered down version ng BBL.

Iginiit naman ni Lobregat na kung hindi pagbibigyan ng liderato ng Kamara ang mga amendment na kanilang isusulong sa plenaryo, iaakyat nila ang usapin sa Korte Suprema.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,