Panukalang Batas upang masugpo ang Human Trafficking sa mga Kabataan, isinusulong

by Radyo La Verdad | January 11, 2016 (Monday) | 4121

Ipinanukala sa Kamara ang House Bill 5709 upang maitatag ang Human Trafficking Preventive Education Program na pangasiwaan ng Inter-Agency Council Against Human Trafficking.

Layon nito na maipaalam sa mga kabataan ang panganib ng International at Domestic Human Trafficking sa iba’t ibang paraan gaya ng illegal recruitment, unfair labor practices, involuntary servitude, sexual exploitation at prostitution at child labor.

Ayon kay (1st District, Valenzuela City) Rep. Sherwin T. Gatchalian nais masolusyunan sa bansa ang problema sa pataas na bilang ng Human Trafficking sa Pilipinas kung saan kabataan ang karamihang nabibiktima

Ito ay base na rin sa ulat ng Department of Social Welfare and Development ng taong 2014, tinatayang may 1,824 na mga kabataang biktima ng Human Trafficking sa bansa.

Napaulat rin sa 2014 Trafficking in Persons Report na inisyu ng United States Department of State, pumapangalawa ang bansang Pilipinas may pinakamataas na bilang ng mga biktima ng Human Trafficking.

Nakapaloob sa programa ang pagbibigay ng proteksyon sa mga biktima ng human trafficking maging ang pagtukoy sa mga kabataang kasalukuyang biktima ng trafficking at maisangguni sa kinauukulang ahensya at organization para sa protection at rehabilitation ng mga biktima.

Kasama na rin dito ang paglalaan ng Community-Based Program para mabigyan ng edukasyon at makapag-aral ang mga biktima na out of school youth sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Department of Education, Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Council for the Welfare of Children (CWC).

(Aiko Miguel / UNTV Radio Reporter)

Tags: , ,