Panukalang batas upang bigyan ng buwanang sahod ang mga housewife, inihain sa kamara

by Radyo La Verdad | August 5, 2022 (Friday) | 2944

METRO MANILA – Batay sa House Bill Number 668 na isinusulong ngayon sa kamara, ang mga ina na walang trabaho ang siyang makakatanggap ng buwanang sweldo na P2,000 kada buwan.

Ayon sa may akda ng panukala na si Albay Representative at Chairman ng House Committee on Ways and Means na si Joey Salceda, malaki ang itinutulong ng mga stay at home mothers o housewife sa bansa.

Dapat aniyang kilalanin at bigyang ng karampatang sweldo ang mga ina ng ating tahanan dahil sa kanilang sakripisyo at kontribusyon sa pagpapalago ng bansa.

Kung maisasabatas ito, ang mga nanay na walang trabaho o pinagkakakitaan na namumuhay sa ilalim ng poverty threshold ang bibigyan ng buwanang sweldo ng pamahalaan.

Dapat din aniyang may inaalagaan silang anak na below 12 years old upang maging recipient ng programa.

Gagamitin ang listahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) National Household Targeting System for Poverty Reduction upang malaman kung sino ang makakatanggap ng nasabing P2,000 monthly compensation.

(Aileen Cerrudo | UNTV News)

Tags: ,