Panukalang batas para sa voluntary election service ng mga guro, isusumite na kay Pangulong Aquino upang maisabatas

by Radyo La Verdad | January 28, 2016 (Thursday) | 1216

ELECTION
Kung lalagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang Election Service Reform Act, hindi na mandatory sa mga guro na masilbi sa tuwing eleksiyon.

Sa ilalim ng panukalang batas na ito boluntaryo na ang pagsisilbi ng mga guro sa elekyon.

Nakasaad rin sa Election Service Reform Act itataas ang mga honorarium ng mga guro.

Mula sa kasalukuyang 3-libong piso gagawin ng anim na libong piso ang matatanggap ng tatayong Chairman Board of Election Inspector.

Habang 5-libong piso naman ang matatanggap ng mga BEI .

Madadagdagan naman ng 1-libong piso ang mga deped supervisors, 500-piso para sa support staff at 500-piso and dagdag para sa kanilang mga transportation allowance.

Ayon kay Act Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio ang principal author ng panukalang batas nais nilang hindi na maulit pa ang mga insidente ng karahasan sa mga guro.

Magugunitang napatay noon ang elementary teacher na si Filomina Tatlonghari dahil sa ballot box snatching incident sa Mabini Batangas noong 1995.

At ang gurong si Nellie Banaag matapos sunugin ng mga armadong lalake ang kanilang paaralan noong 2007 sa Batangas.

Kaya naman nakasaad rin dito ang pagbibigay ng medical at legal support sa mga guro sakaling malagay sa panganib ang buhay , habang nagsisilbi sa halalan.

Hindi naman tutol ang Commission on Elections na gawing voluntary ang pagseserbisyo ng mga guro sa halalan lalo’t sobra sobra naman ang bilang ng mga public school teacher na maaring tumayong Board of Election Inspectors.

(Grace Casin/UNTV News)

Tags: