Panukalang batas para sa mas malawak na Anti-Trafficking, inihain na sa Kamara

by Erika Endraca | August 27, 2021 (Friday) | 5379

METRO MANILA – Inihain noong August 25 ng House Committee on Welfare of Children sa plenaryo ang panukalang batas na nagsasama sa pang-aabusong sekswal online bilang bahagi ng human trafficking.

Sa ilalim ng panukalang batas, idaragdag sa Republic Act 10364 o Expanded Anti-Trafficking Act ang mga online offense gaya ng production of child sexual abuse and exploitation materials (CSAEM) and online sexual abuse.

Sakop rin ng panukalang batas ang pagbibigay awtorisasyon sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na maharang ang anumang komunikasyon o “wiretap” upang matugis ang gumagawa ng nasabing krimen.

Ayon kay Committee Chair Yedda Romualdez, isa sa layunin ng panukalang batas ay upang aksyunan ang mga trafficking activities na nagaganap online.

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspodent)

Tags: