Panukalang batas para sa dagdag na ‘Service Incentive Leave’ ng mga manggagawa, aprubado na sa Kamara

by Erika Endraca | March 5, 2020 (Thursday) | 24489

METRO MANILA – Aprubado na sa Kamara ang panukalang batas na magbibigay ng dagdag na ‘Paid Leave’ sa mga manggagawa.

Sa ilalim ng House Bill 1338, magiging 10 araw na ang service incentive leave o ‘Paid Leave’ ng isang pinoy employee na nakapagtrabaho sa isang kumpanya ng hindi bababa sa 1 taon.

Hindi naman masasakop ng batas ang mga empleyadong mayroon nang 10 araw na Paid Leave sa kanilang kumpanya.

Hindi rin masasakop ang empleyadong nagtatrabaho sa kumpanya na wala pang 10 ang empleyado.

Matapos maaprubahan sa Kamara ay aantayin pa na matalakay sa Senado ang katumbas na panukalang batas nito.

Kapag naaprubahan na sa Senado ay saka pa lamang isusumite ang panukala sa Pangulo upang malagdaan at maging ganap na batas.

(Vincent Arboleda | UNTV News)

Tags: ,