Panukalang-batas para kunan ng DNA sample ang mga mahuhuling suspek, isinusulong ng PNP

by Erika Endraca | June 5, 2019 (Wednesday) | 13924

MANILA, Philippines – Isinusulong ng Philippine National Police (PNP) ang panukalang batas na bubuo ng DNA database system.

Ayon kay PNP Crime Laboratory Director Brigadier General Rolando Hinanay, sa ilalim ng panukalang batas na ito ay isasama na sa booking process ang pagkuha ng dna sample sa mga nahuhuling suspek.

“If we can have a law that would allow us to mandatorily get the dna sample of the arrested suspect, that would greatly help the police in the prosecution of the offences sa court” ani PNP Crime Laboratory Director Brigadier General Rolando Hinanay.

Dagdap pa ni Hinanay na kabilang sa pwedeng kunan ng dna sample ay laway, dugo, buhok, buccal swab, tissue at buto.

Aniya, bukod sa mapapabilis nito ang pagbaba ng hatol sa may sala, makatutulong din ito upang mapawalang-sala naman ang mga napag-alaman lamang na salarin.

May sapat na rin silang kagamitan sa pagkuha ng dna sample at bukod sa Camp Crame, may mga mega lab na rin ang pulisya sa Davao at Cebu.

“Yung ating dna capability ay mas magiging kapaki-pakinabang kung mas maraming laman yung ating database o mas makatutulong sya sa ating administration of justice at mas mapapadali yung investigation sa crime” ani PNP Crime Laboratory Director Brigadier General Rolando Hinanay.

Samantala, tutol naman sa panukalang ito ang Commission on Human Rights (CHR).

Ayon kay CHR Commisioner Gwendolyn Gana, paglabag ito sa right to privacy ng tao. Dapat aniyang may pahintulot ng suspek ang pagkuha ng dna sample nito.

(Lea Ylagan | Untv News)

Tags: , , ,