Panukalang batas para itaas sa P16,000 ang minimum wage ng mga government employees, inihain sa Kamara

by Radyo La Verdad | February 20, 2018 (Tuesday) | 6050

Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara ng Makabayan Bloc na naglalayong  itaas ang sweldo ng mga employado ng gobyerno at mga nurse.

Target ng House Bill Number 7196 na gawing 16 thousand pesos ang minimum na sweldo ng mga ito.

Iginigiit ng Makabayan Bloc na dapat ring bigyang prayoridad ng kongreso ang nasabing panukala matapos dinoble ang sahod ng mga pulis at sundalo.

Makatwiran lang anila ang dagdag-sweldo dahil sa pagtaas ng pangunahing bilihin dulot ng implementasyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,