Panukalang batas na naglalayong mapasailalim ng Kongreso ang pagbibigay ng prangkisa sa gaming operations, inihain sa Kamara

by Radyo La Verdad | November 27, 2017 (Monday) | 1987

Batas na naglalayong mapasailalim ng kapangyarihan ng Kongreso ang pagbibigay ng prangkisa sa mga gaming operation sa bansa.

Batay sa House Bill Number 6514, ipapasa ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Games and Amusement Board (GAB), Cagayan Economic Zone Authority (CEZA), Aurora Pacific Economic Zone and Freeport (APECO), Freeport Area of Bataan, at iba pang special economic zones ang lahat ng regulatory functions sa gaming industry sa ahensya na tatawaging Philippine Amusements and Gaming Authority o PAGA.

Ang PAGA ang aatasan pagdating sa mga polisiya at pagbabantay sa lahat ng gaming at gambling operation kabilang na ang pagresolba sa mga alitan ng operators at patrons.

Sakaling maisabatas, bibigyan ng isang taon ang kasalukuyang may mga prangkisa na mag-apply ng bagong prangkisa sa Kongreso.

Samantala, ngayong araw nakatakda ang pagdinig ng House Games and Amusement Committee sa House Bill Number 6514 o ang Philippine Amusements and Gaming Authority Act.

Tags: , ,