Panukalang batas na naglalayong itaas ang campaign expenditures limit ng mga politiko, inihain sa Kamara

by Radyo La Verdad | July 14, 2015 (Tuesday) | 1136

CAVITE REP
Sampung buwan bago ang 2016 National Elections isang panukalang batas ang inihain sa mabababang kapulungan ng Kongreso na naglalayong itaas ang campaign expenditures limit ng mga kandidato.

Sa House Bill No 5928 na inihain ni Capiz Rep. Fredenil Castro nais niyang itaas sa P50 ang gastos ng isang presidential candidate sa kada botante, mula sa kasalukuyang P10.

Kaya kung ito ay maisasabatas, sa 46 na milyong registered voters ngayon, ang isang kandidato sa pagka-presidente ay gagastos ng 2.3 billion pesos.

Para naman sa mga kakandidatong Bise Presidente, Senador , Kongresista hanggang sa local na mga posisyon itataas naman ito sa P30 kada botante, mula sa kasalukuyang P3 lamang.

Para naman sa mga independent candidate o walang kinabibilangang political party, mula sa kasalukuyang P5 itataas naman ito sa P35.

Ayon kay Castro ito ang kanyang nakikitang paraan upang maiwasan na ang pagsisinungaling ng ilang kandidato sa kanilang campaign expenditures.

Tags: