Sa botong 19 – 2 pasado na sa 1st reading ang panukalang ipagpaliban na sa May 2018 ang barangay at Sangguniang Kabataan elections. Agad namang sumang-ayon dito ang liga ng mga barangay sa Pilipinas.
Lalo’t base sa datos ng Comelec, 266 na barangay kagawad at 87 na barangay kapitan na ang naaaresto dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga. Subalit ang ilang mambabatas, nanghihinayang sa 197-million pesos na nagastos na ng Comelec sa paghahanda sa eleksyon. At sa hindi pagbibigay ng pagkakataon sa publiko na makuha ang kanilang panig hinggil sa isyu.
Samantala , tiniyak naman ng Comelec hindi maaapektuhan ng isyung kinakaharap ni Chairman Bautista ang mandato ng ahensya.
(Grace Casin / UNTV Correspondent)
Tags: Brgy. at SK polls, COMELEC, Kamara