Panukalang batas na mailibre sa buwis ang mga kritikal na medical supply, pasado na sa ikalawang pagdinig sa Kamara

by Erika Endraca | August 29, 2021 (Sunday) | 40602

METRO MANILA – Aprubado na sa ikalawang pagdinig  ng House of Representatives ang panukalang batas na nagtatanggal ng buwis sa mga  medical oxygen at medical supplies.

Sa isang voice votation, inaprubahan ng kamara ang House Bill 8895 o ang panukalang “Public Health Emergency Importation Tax Exemption Act”.

Ayon kay Albay Representative Joey Salceda, isa sa mga may-akda ng bill, malaking tulong aniya ito sa bansa upang matugunan ang kakulangan ng mga medical supply.

Sakop ng panukala ang paggawa, importasyon, pagbebenta, at donasyon ng critical medical supplies tulad ng mga bakuna at iba pang mga gamot na kailangan tuwing may public health emergency.

Inaatasan naman ang Secretary of Health at Secretary of Finance na ilatag ang listahan ng mga medical supply na kasama sa tax exemption.

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)

Tags: ,