Panukalang batas na magtatakda ng national minimum wage, inihain sa Kamara

by Radyo La Verdad | May 2, 2018 (Wednesday) | 6393

Nakahain ngayon sa mabababang kapulungan ng Kongreso ang isang panukalang batas na magtatakda ng national daily minimum wage.

Sa ilalim ng House Bill No. 7527, may kapangyarihan ang secretary ng Department of Labor and Employment (DOLE) na i-adjust ang rate.

Kapag naisabatas ang panukala, isasantabi na ang kasalukuyang sistema kung saan ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang nagtatakda ng regional minimum wage rates.

Six hundred pesos ang inisyal na uniform daily minimum wage para sa agricultural and non agricultural workers.

Magiging aplikable ito sa regular, contractual o casual employees sa pribadong sektor.

Tags: , ,