Panukalang batas na magtataas sa mga multa sa ilalim ng revised penal code, inaprubahan na ng Senado

by Radyo La Verdad | May 2, 2017 (Tuesday) | 2256


Aprubado na sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas nina Senador Leila de Lima at Richard Gordon na magtataas ng multa sa mga krimen sa ilalim ng revised penal code.

Sa ilalim ng panukalang batas, tataasan ang multa sa mga krimen gaya halimbawa ng treason na mula 20-thousand pesos ay gagawing 4-million pesos habang ang rebellion na may multang 8-thousand pesos ay gagawing 1.6-million pesos.

Gagawin namang 1-million pesos ang multa sa pamemeke ng dokumento mula sa kasalukuyang 5-thousand pesos.

Ginawa ang upgrade sa mga penalties alinsunod sa payo ng Supreme Court noong 2014 na amyendahan ang revised penal code na naipasa walumput pitong taon na ang nakalilipas.

Tags: , , ,