Pasado na sa second reading sa mababang kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na magreregulate sa pagkuha ng mga dayuhang manggagawa sa bansa.
Sa ilalim ng House Bill Number 8369 ni dating Davao City Representative at ngayon ay Cabinet Secretary Karlo Nograles, kailangan munang matiyak na walang Pilipinong kwalipikado sa isang posisyon bago kumuha ng dayuhang manggagawa para dito.
Kailangan ding ituro ng foreign worker na nagbigyan ng employment permit ang kaniyang skill at kaalaman sa isang teknolohiya sa mga Pilipino.
Tinaasan din ang multa at parusa sa mga dayuhan at employer na lalabag dito.
50,000 hanggang 100,000 piso ang magiging multa o hindi kaya ay makukulong ng anim na buwan hanggang anim na taon o parehas depende sa magiging desisyon ng korte.
Tags: foreign workers, Kamara, Pilipino