Nais ipawalang bisa ng Makabayan congressman sa Kamara ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.
Sa House Bill Number 7653 na inihian nito ngayong araw, nakasaad na dapat ibalik sa orihinal ang National Internal Revenue Code o ang mga buwis na pinapataw sa produktong petrolyo, sweetened beverages at iba pa.
Ayon sa grupo, unang quarter palang ng taon ay nasa 4.5% na ang inflation rate ng bansa kaya kung hindi ipatitigil ang TRAIN law, tiyak daw na lalo pang tataas ang mga bilihin sa mga susunod pang buwan.