Panukalang batas na maghihiwalay sa FDA sa DOH, isinusulong sa Senado

by Radyo La Verdad | December 8, 2017 (Friday) | 2377

Inihain kahapon sa Senado ni Senator JV Ejercito ang Senate Bill No. 1631 na layong maihiwalay ang Food and Drug Administration sa Department of Health at ideklara ito bilang independent body na nasa ilalim ng Office of the President.

Ang FDA ay attached agency ng DOH na nag-aapruba o nagreregulate sa mga gamot na pinapayagang ibenta sa merkado.

Ayon din sa panukala, pamumunuan ang ahensya ng isang director-general na may ranggong Department Secretary at makakabilang sa gabinete ng Pangulo.

Naniniwala si Senator Ejercito na hanggang nakakabit ang FDA sa DOH ay may posibilidad na makompromiso ang pagiging patas nito.

Samantala sinabi rin ni Sen. Ejercito na dapat ay bumuo na ang pamahalaan ng isang task force na kabibilangan ng DOH, WHO at ng Philippine Medical Association at paglaanan ito ng pondo upang mamonitor ang mga batang naturukan ng dengue vaccine.

Sa Lunes ay magsasagawa ang Senate Blue Ribbon Committee ng pagdinigkaugnay sa issue at ang isa sa aalamin ay kung nagkaroon ba ng shortcut sa pagbili ng Dengvaxia.

 

( Rey Pelayo / UNTV Correspondent )

Tags: , ,