Panukalang batas na magbibigay proteksyon sa paglipat ng copyright, isinusulong sa Kamara

by dennis | April 18, 2015 (Saturday) | 3920
Photo credit: Si Rep. Emmeline Aglipay-Villar (mula sa Diwa Partylist website)
Photo credit: Si Rep. Emmeline Aglipay-Villar (mula sa Diwa Partylist website)

Isinusulong ngayon sa Kamara ang panukalang batas na magbibigay ng proteksyon sa paglipat ng copyright ng mga may-akda o lumikha mula sa mga mapagsamantala na ilegal na nangongopya o nagnanakaw ng kanilang mga ideya sa kanilang mga iniakda o nilikha.

Sa ilalim ng House Bill 5557 o ang “Creator Protection Act” na itinutulak ni Rep. Emmeline Aglipay-Villar ng DIWA partylist, bibigyan nito ng proteksyon at seguridad ang intellectual property rights ng mga author o creator ng iba’t ibang sining at literatura.

Layunin rin ng panukala na magkaroon ng maayos na paglilipat o transfer ng copyright sa pamamagitan ng lamang ng pagbibigay ng kapahintulutan mula sa mga may-akda o lumikha.
Binigyang diin ni Aglipay na dahil sa Internet,

madali na ngayon ang pag-access sa mga digital copy ng mga aklat at maraming Pilipino

ngayon ang nagsusulat o lumilikha ng mga awit, pelikula at iba pang sining kasunod nito ang pagkakaroon ng malaking bilang ng ‘followers’ sa social media.
Nakasaad din sa panukalang batas na hindi kikilalanin ng pamahalaan ang paglipat o paglisensya ng copyright o intellectual property kung hindi nakasulat ang mga probisyon sa kontrata, sa wikang maiintindihan ng mga may-akda.

Tags: , , , , , ,