Ipinasa na ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang Enhanced National Integrated Protected Areas System (ENIPAS) Act na may layuning protektahan ang mga biodiversity area sa bansa gaya ng Apo Reef Natural Park at ang Mayon Volcano National Park.
Kapag tuluyang maging batas ang Senate Bill 2712, isasailalim nito ang nasa 97 natural parks sa permanenteng proteksyon ng pambansang pamahalaan.
Aamyendahan nito ang National Integrated Protected Areas System (NIPAS) Act of 1992, na kasalukuyan ay nasa 13 lugar lamang ang nasa ilalim ng proteksyon ng pamahalaan.
Kabilang din sa 97 natural parks na poprotektahan ng gobyerno ang Taal Volcano Protected Landscape, ang Agusan Marsh Wildlife Sanctuary, at ang Chocolate Hills Natural Monument.