Panukalang batas na lulutas sa mga problemang kinakaharap ng uber at grab, tinatalakay na sa Kongreso

by Radyo La Verdad | August 3, 2017 (Thursday) | 3686

Nasa deliberasyon na ngayon ng House Committee on Transportation ang House Bill 6009 o ang Transportation Networks Services Act na ipinakula nang magkapatid na kongresista na sina Jericho at Karlo Nograles.

Ayon sa mga mambabatas, napapanahon na para matukoy ang klasipikasyon ng mga Transport Network Vehicle Services o TNVS gaya ng Grab at Uber. Sa tingin ni Nograles, hindi dapat ipagbawal ang mga TNVS dahil sa Metro Manila pa lang ay mayroon ng dalawang milyong tao ang gumagamit nito.

Dapat nga aniya ay napag-isipan na ito ng Kongreso sa nakalipas na dalawang taon. Dapat din aniya na pareho ang kompesasyong nakukuha ng mga taxi kumpara sa ride-sharing services gaya ng lamang surge o pagtaas ng pamasahe kapag ma-traffic o gabi. Sa pamamagitan aniya nito ay hindi na sisingil o mag papadagdag ang taxi driver.

Pag-uusapan din sa pagdinig ng panukalang batas kung dapat bang limitahan ang bilang ng mga TNVS. Sa pagdinig ng House Comiittee on Transportation natuklasan na mahigit 125 thousand unit mayroon ang Uber, Grab at UHop.

Mas mataas ito sa demand na 12 to 15 thousand demand kada oras ayon sa LTFRB. Nais ng Kongresista na maging batas na ang panukala bago matapos ang taon.

 

(Rey Pelayo / UNTV Correspondent)

 

 

 

Tags: , ,