Panukalang batas na layong protektahan ang mga food delivery driver, inihain sa Kamara

by Erika Endraca | June 10, 2020 (Wednesday) | 1258

METRO MANILA – Inihain ang House Bill 6985 sa Kamara para ma proteksyunan ang mga food and grocery delivery drivers laban sa mga ganitong pangyayari.

Sa ilalim ng House Bill 6958, bago gumamit ang isang customer ng food delivery application tulad ng grab food, lalafood o food panda, required muna itong mag pasa ng valid i.d. at proof of billing address.

Obligasyon din ng kumpanya na i verify o siguruhin na totoong tao ang isang user bago ito payagang gumamit ng kanilang app.

Sa ilalim ng House Bill 6958, ipinagbabawal ang di makatarungang pagkakansela ng confirmed order lalo na kapag nabayaran na ito ng delivery driver.

Sakali mang lumabag sa mga nakasaad sa taas, maaari namang paruhasan ng prison mayor o makulong ng hindi bababa sa  6 na taon hanggang sa 12 taon o mag magbayad ng multa na nagkakahalaga ng P100,000 at reimbursement ng presyo ng inorder and doble ng delivery fee nito.

Ang mga magpapahiya naman sa driver ay maaaring patawan ng prison correctional o makulong ng hindi bababa sa 6 na buwan hanggang sa 6 na taon.

May mga exemptions naman na inilagay sa panukala para hindi maparusahan kapag mag cancel ng order katulad ng kung ang deliver ay hindi nakarating sa takdang oras ng mahigit 1 oras at hindi ka naabisuhan ng driver o ng delivery company hinggil sa naturang delay.

Umaasa naman si Representative Garbin na sa pamamagitan ng naturang panukala ay matigil na ang mga fake booking o prank orders upang hindi na masayang ang pera, oras at pagod ng mga delivery drivers na nakakatulong ng malaki para maibigay ang pangangailangan ng publiko sa panahon ng COVID-19 pandemic.

(Vincent Arboleda | UNTV News)

Tags: