Panukalang batas na dagdagan ang pension ng mga SSS member, pasado na sa third and final reading ng Senado

by Radyo La Verdad | December 16, 2015 (Wednesday) | 1337

IMAGE_10102013_untv-news_SSS
Pirma na lamang ni Pangulong Benigno Aquino III ang kulang upang ganap nang maging batas ang panukalang padaragdag ng dalawang libong piso sa monthly pension ng mga miyembro ng Social Security System o SSS.

Ito ay matapos na aprubahan sa third and final reading ng Senado noong Lunes ang naturang panukalang batas.

Si Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile ang tanging senador na bumoto kontra sa proposed bill, habang wala namang nag abstain.

Ayon kay Senator Cynthia Villar, isa sa mga sponsor ng panukalang batas, malaki ang magagawa ng karagdagan sa pension ng mga retiree para sa pang ara-araw nilang gastusin dahil patuloy na tumataas ang presyo ng mga bilihin.

Tags: , , , ,