Inendorso na sa plenaryo House Committee on Dangerous Drugs ang panukalang batas na naglalayong mabigyan ng mas mabigat na parusa ang mga dayuhang mapapatunayang sangkot sa anumang drug related activity sa bansa.
Unang ipinanukala ang House Bill 1213 noong 15th congress, nakapasa sa 2nd, 3rd at final reading ngunit hindi naipasa sa Senado.
Naisabatas naman noong June 2006 ang Republic Act 9346 o ang batas na nagbabawal sa pagpapatupad ng death penalty sa Pilipinas.
Ayon sa ilang mambabatas, bagamat maganda at makatao ang layon ng pagbabawal sa death penalty, marami naman umanong mga foreigner ang lumalakas ang loob na magtayo ng mga drug factory sa Pilipinas dahil ang pinakamabigat lamang na parusa na maari nilang makuha kapag na-convict ay ang habang buhay na pagkakakulang.
Hindi umano kagaya sa ibang bansa na mayroong parusang kamatayan.