Panukalang batas kontra contratualization, inihain ng Anakpawis Partylist

by Radyo La Verdad | July 4, 2016 (Monday) | 1286

WORKERS
Inihain ng Anakpawis Partylist sa mababang kapulungan ng kongreso ang panukalang batas upang wakasan na ang contractualization sa bansa.

Ayon kay Anakpawis Partylist Representative Ariel Casilao, alinsunod ito sa kampanya ng Duterte administration.

Nakasaad sa nasabing panukala na dapat ikonsidera ng isang kumpanya na “regular employee” ang isang manggagawa kung nagagampanan nito ang tungkuling nasasaad sa kaniyang job description.

Dapat din aniya na maibigay ng mga employer angkaukulang benepisyo ng kanilang mga tauhan.

Ayon kay Casilao, pito sa bawat sampung kumpanya sa bansa ang nagpapatupad ng flexible working arrangements.

(UNTV RADIO)

Tags: ,