Panukalang automatic refund tuwing may 24-hours internet service disruption, isinusulong sa Kongreso

by Radyo La Verdad | November 17, 2022 (Thursday) | 790

METRO MANILA – Dapat magbigay ng dekalidad na serbisyo ang mga internet providers sa kanilang customers lalo na at madalas nang ginagamit ang internet sa pang-araw araw na gawain.

Kaya naman inihain ni Navotas City Representative Toby Tiangco ang House Bill Number 4659 o ang Public Telecommunications Policy Act.

Sa ilalim ng nasabing House Bill, pwedeng i-refund ng mga customer ang kanilang binayad kung nakakaranas sila ng service outage o disruption ng 24 hours o mahigit sa loob ng isang buwan.

Ngunit, ayon sa panukalang batas hindi kasama sa automatic refund kung nawalan ng internet service dahil may kalamidad.

Suportado naman ng Globe Telecom ang nasabing house bill at sinabing responsibilidad ng mga service provider na magbigay ng kalidad na serbisyo sa kanilang customer.

Ngunit, ayon sa kumpanya, may dapat pang linawin ang nasabing panukalang batas.

Base rin sa inihaing batas, mapapatawan din ng karampatang parusa ang mga telecommunication services na hindi magpapatupad ng automatic refund.

Sa ngayon, pinag-aaralan pa ng mga mambabatas sa kamara ang sakop ng nasabing parusa.

(Aileen Cerrudo | UNTV News)

Tags: