Pag-aaralan na sa Senado ang planong pag-abolish sa National Food Authority (NFA). Bunsod ito ng kabiguan ng ahensya na masigurong may sapat na supply ng NFA rice at mapababa ang presyo ng commercial rice sa bansa.
Ayon kay Senate Committee on Agriculture and Food Chairperson Cynthia Villar, kasama sa kanilang titignan ay kung ginawa ba talaga ng NFA ang kanilang mandato na siguruhing maayos ang rice importation program.
Ang pagbuwag sa NFA ay batay na rin sa suhesyon ng National Economic and Development Authority (NEDA).
Ayon sa mambabatas, natapos na ang kasunduan ng Pilipinas sa World Trade Organization kaya pupunta na ang bansa sa tarification of rice kung saan bukas sa lahat ang pag-iimport pero kailangan nilang magbayad ng tariff.
( Japhet Cablaida / UNTV Correspondent )