Panukala ng JICA para sa traffic decongestion, ikokonsidera ng transportation department

by Radyo La Verdad | July 15, 2016 (Friday) | 3189

TRAFFIC
Ikokonsidera ng Department of Transportation ang panukala ng Japan International Cooperation Agency o JICA upang mapaluwag ang trapiko sa Metro Manila.

Mayroong limang panukala ang JICA, pagtatayo ng karagdagang mga paliparan, paglalagay ng subway, reporma sa public transport, ang posibleng paglalagay ng secondary mass transport at pag develop sa North Harbor bilang isang water front real estate.

Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, isa sa mga nais na unahing magawa ay ang kahilingan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagkakaroon ng connectivity ng Metro Manila at Clark.

(UNTV RADIO)

Tags: ,