METRO MANILA – Mararanasan na ang mas mahahabang daytime sa mga susunod na araw.
Ito ay dahil ngayong araw ang pagsisimula ng Vernal Equinox.
Ang Vernal Equinox o spring equinox ay isang celestial phenomenon kung saan ang araw ay direktang sumisikat sa equator.
Ayon sa PAGASA ang Vernal Equinox ay hudyat na ng pagsisimula ng spring sa northern hemisphere na kinabibilangan ng Pilipinas habang autumn naman sa southern hemisphere.
Dahil dito, may kaparehong haba ang araw at gabi sa kaparehong latitude sa magkabilang hemispheres ng mundo.
Tags: PAGASA, Vernal Equinox