Iginiit ni outgoing DSWD officer-in-charge Undersecretary Emmanuel Leyco na kailangan pa ring ipagpatuloy ng pamahalaan ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program 4P’s.
Ito’y bilang tugon sa panukala ni Agriculture Secretary Manny Piñol na gawin na gawing loan program ang 4P’s.
Sa panukala ni Piñol, ilalaan ang pondo ng 4P’s sa pautang para makapatayo ng pagkakakitaan ang mga benepisyaryo ng programa.
Ayon kay Leyco, sa ngayon aniya ay nasa 4.4 milyon na pamilya ang nabibiyayaan ng 4P’s at marami sa mga ito ang nakitaan ng pagbabago sa antas ng pamumuhay.
( Rey Pelayo / UNTV Correspondent )