Pansamantalang pagpapatigil sa mga road repair sa Metro Manila, epektibo na ngayong araw

by Radyo La Verdad | November 1, 2017 (Wednesday) | 2634

Epektibo na simula ngayong araw ang tatlong buwang moratorium sa road repair at mga paghuhukay sa buong Metro Manila.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA, ito ay upang maibsan ang mabigat na trapiko dahil sa inaasahang pagtaas ng bilang ng mga sasakyan sa pagpasok ng holiday season.

Sakop ng moratorium ang mga concrete re-blocking project ng DPWH, repairs ng mga utility companies gaya ng Maynilad, Manila Water at ang mga flood-control projects.

Hindi naman sakop ang konstruksyon ng Skyway Project 3 na kasama sa flagship project ng pamahalaan.

Nagpaalala naman ang MMDA sa mga contractor na takpan ang mga ihihintong proyekto upang magamit pa rin ng mga motorista ang kalsada.

Tatagal ang moratorium hanggang sa January 15, 2018.

Tags: , ,