METRO MANILA – Ikinatuwa ng mga kinatawan ng International Community ang pansamantalang paglaya ni Former Senator Leila De Lima, matapos ang halos 7 taong pagkakakulong.
Sa isang tweet sinabi ni United States Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson, na isang welcome news ang paglaya ng naturang senador.
Aniya, maresolba na sana ang lahat ng mga kasong kinakaharap ni De Lima.
Ayon naman kay European Union Ambassador Luc Veron, ang paglaya ni De Lima ay isang mahalagang hakbang sa pananaig ng batas sa Pilipinas.
Pinuri rin ng embahada ng Canada at the Netherlands ang hakbang at sinabing nawa’y makamit ng dating senadora ang hustisya na nararapat sa kaniya.
Tags: DOJ, Ex Sen. Leila De Lima, SC