DOJ inirekomendang magsampa ng kaso laban sa China

by Radyo La Verdad | September 20, 2023 (Wednesday) | 22034

METRO MANILA – Inirekomenda ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kaso laban sa China kaugnay ng mga insidente ng coral harvesting sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, makikipagpulong siya kay Executive Secretary Lucas Bersamin upang talakayin ang issue sa lalong madaling panahon.

Sinabi pa ng kalihim na kahit na walang alitan sa teritoryo ay hindi katanggap-tanggap ang ginawang pagsira ng China sa mga bahura.

Sinabi din ni Remulla na makikipag-ugnayan ang pamahalaan sa top environmental lawyers sa bansa para sa potenyal na aksyong legal.

Tags: , ,