Paniningil ng pamasahe sa 24/7 libreng sakay sa Edsa Busway, iniimbestigahan ng LTFRB

by Radyo La Verdad | December 5, 2022 (Monday) | 7689

METRO MANILA – Iniimbestigahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang umano’y paniningil pa rin ng ilang public utility buses drivers sa Edsa busway.

Ito’y sa kabila nang 24 oras na ang libreng sakay ngayong Disyembre.

Payo ng LTFRB sa publiko, isumbong ang ganitong gawain sa mga traffic inspector ng LTFRB o sa mga enforcer ng Inter-Agency Council on Traffic  na nakabantay sa bawat istasyon ng Edsa busway.

Samantala, ipinapanukala rin ng LTFRB sa mga bus operator sa Edsa Carousel na bigyan ng assistant ang kanilang mga driver.

Ito ang naging assessment ng LTFRB sa unang araw ng implementasyon ng 24/7 libreng sakay sa Edsa busway noong December 1.

“Kailangan po ng passenger asisstant para po sa ating mga driver para po kaagapay po ng mga driver sa pag-assist  po ng ating mga pasahero yan po ang binigay natin direktiba sa mga operator na kasama po natin dito sa libreng sakay” ani LTFRB Executive Director, Atty. Robert Peig.

Tatagal ang 24/7 libreng sakay sa Edsa carousel hanggang December 31.

Tags: , ,