Paninigarilyo, mahigpit na ipinagbabawal sa Winnipeg, Canada

by Radyo La Verdad | January 29, 2018 (Monday) | 4247

Tuluyan na ngang ipinagbawal ng local government ng Winnipeg ang paninigarilyo sa mga outdoor patio ng mga commercial establishment gaya ng bars at restaurant. Kasama sa ipinagbabawal ang vaping o ang e-cigarette.

Ayon sa panayam kay Councilor  Mike Pagtakhan na isang Pilipino, dahil sa bagong batas, ang Winnipeg ang pinakahuling major city sa Canada na nagpahintulot ng smoking sa patios ng mga restaurants at bar noong 2003, pati ang pag-aalaala mula naman sa Canadian Cancer Society na kahit ang second hand smoke, lalo na kung outdoors, ay lalong kapareho lang ang epekto ng first hand smokers.

Akala  ng iba na ang vaping ay mabuting alternative sa paninigarilyo, subalit pareho ring nakakasama sa katawan ang vaping.

Ayon sa isang pag-aaral dito sa US, ilan sa pinsala ng vaping sa katawan at ang paghina ng kakayanan nitong labanan ang impeksyon, nakakasugat ng baga, kung lithium ang battery ng vape, pwede daw itong sumabog kaya delikado rin;

Kaya naman pinagtibay na ng canadian government, particularly nga dito sa winnipeg na bawal na yan.  Magsisimula ang total ban na yan sa April 1 ngayong taon.

 

( Fatima Tumang / UNTV Corresondent )

 

Tags: , ,