Hindi pa natatapos ang imbestigasyon ng Office of the Ombudsman sa dalawang plunder complaints laban kay Makati City Mayor Junjun Binay, isa na namang reklamo ang natanggap nito ngayong araw laban sa alkade.
Inihain ni dating Makati City Barangay Chairmain Renato Bondal ang ikatlong plunder complaint laban kay Vice President Jejomar Binay at sa anak nitong ni Mayor Junjun Binay dahil sa umano’y isa pang katiwalian sa Makati.
Ayon kay Bondal, nagkamal ng humigit kumulang P500 million ang mga Binay sa pagsasapribado ng College of Nursing ng University of Makati.
Ipinasok aniya sa isang joint venture kasama ang Systems Technology Institute o STI ang operasyon ng kolehiyo na kumita aniya sila sa pangongolekta ng tuition at professional fees mula sa ekswelahan.
Bgaman naisapribado ang College of Nursing, hindi naman aniya ito na-develop at nalugi pa.
Samantala, maliban kay Mayor Binay pinapakasuhan din ni Bondal ng malversation ang kapatid ng alkalde na si Congresswoman Abigail Binay.
Ayon kay Bondal, taong 2011 nang ginamit ni Abigail ang kanyang Priority Development Assistance Fund o PDAF na nagkakahalaga ng P25 million para sa mga proyekto na ang Makati City ang nag-implementa.
Kaduda-duda aniya ang mga proyektong ito dahil napag-alamang mga peke ang dalawang NGO na tumayong benipisaryo nito. ( Joyce Balancio / UNTV News)
Tags: College of Nursing, Renato Bondal