MANILA, Philippines – Tiniyak ng Malacañang na muling ise-certify as urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang wakasan ang Endo o kontraktwalisasyon sa bansa.
Bahagi ito ng pangako ng pangulo na wakasan ang sistema ng Endo bago matapos ang kaniyang termino.
Ito ay matapos tumanggi ang pangulo na lagdaan ang Security of Tenure Bill kamakailan dahil sa pagpapalawig ng kahulugan ng labor-only contracting sa naturang panukala na makasisira sa balanse sa pagitan ng mga kapitalista at empleyado.
Muling inihain ni Senator Joel Villanueva ang naturang panukala sa mataas na kapulungan ng kongreso.
“(It is expected that this will be certified as urgent?) I think so, yes” ani Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal Counsel Sec. Salvador Panelo.
(Rosalie Coz | Untv News)
Tags: kontraktwalisasyon, Pangulong Rodrigo Duterte, “endo” scheme