
Posibleng magpatupad ng bawas presyo ang ilang kumpanya ng langis sa kanilang mga produktong petrolyo ngayong linggo.
Sa pagtaya ng mga oil industry player, apatnapu hanggang animnapung sentimo ang mababawas sa presyo ng kada litro ng gasolina.
Sampu hanggang dalawampung sentimo sa diesel at tatlumpu hanggang apatnapung sentimo naman sa bawat litro ng kerosene.
Sakaling matuloy, ito na ang magiging pang-apat na price rollback ngayong buwan.
Mahigit tatlong piso na ang ibinaba ng presyo ng diesel at kerosene sa tatlong beses na rollback ngayong Disyembre.
Tags: linggo, oil price, Panibagong, rollback
METRO MANILA – Epektibo na ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong araw ng Martes (May 21).
Batay sa abiso ng mga oil company, tataas ng P0.25 ang presyo ng kada litro ng Diesel.
Magkakaroon naman ng P0.10 na rollback sa presyo ng kada litro ng gasolina.
Madaragdagan naman ng P0.30 ang singil sa presyo ng kada litro ng Kerosene.
Tinitignan pa ring dahilan ng industry players, ang pabago-bagong galaw sa presyo ng langis sa international market.
Ayon naman sa Department of Energy (DOE), epekto ang paggalaw sa presyo ng pagtaas ng oil prices sa world market dahil sa inaasahang increase sa oil demand ng malalaking bansa.
METRO MANILA – Panibagong rollback sa presyo ng langis ang posibleng aasahan sa susunod na Linggo.
Sa inisyal na pagtaya ng ilang oil industry players, maaaring bumaba ng nasa P0.80 hanggang P1.20 ang presyo ng kada litro ng diesel.
Habang nasa P1.90 hanggang mahigit P2 naman ang posibleng maging rollback sa gasolina.
Samantala P0.85 hanggang P1.25 naman na bawas ang inaasahan sa kerosene.
Sa Lunes (May 13) iaanunsyo ng mga kumpanya ng langis ang final price adjustment na ipatutupad naman sa araw ng Martes, May 14.
METRO MANILA – Magkakaroon ng paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas araw ng Martes April 22.
Batay sa inisyal na pagtaya ng mga oil company, maaring bumaba ng P0.90 – P1.10 and presyo ng kada litro ng diesel.
Magkaroon naman ng dagdag presyo na P0.40 – P0.60 sa presyo ng kada litro ng gasolina.
Posible naman bumaba ng P1 – P1.20 ang kada litro ng kerosene.
Mamaya, iaanunsyo ng mga kumpanya ng langis ang final price adjustment na ipatutupad nila bukas.
Ayon sa industry players, bunsod pa rin ito ng pabago-bagong galaw sa presyo ng langis sa international market.
Paliwanag naman ng Department of Energy (DOE), may pagbaba sa presyo dahil sa bumababang demand ng langis sa China at Estados Unidos.
Gayunman, nakakaapekto pa rin ang walang tigil na geopolitical tensions na nangyayari sa Middle East.