Namataan ng PAGASA ang isang panibagong low pressure area (LPA) sa Philippine area of responsibility (PAR). Kaninang alas tres ng madaling araw ay nasa distansya itong 715km sa silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.
Ayon sa PAGASA, ngayong weekend ay may posibilidad ito na maging bagyo subalit maaaring sa Northern Taiwan muli ito dumaan gaya ni Gardo.
Papangalanan namang Henry kung ito ay maging isang bagyo na pangwalo na sa mga pumasok sa PAR ngayong taon.
Ayon sa forecast ng PAGASA, makararanas ng hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Western Visayas, Palawan, Mindoro, Zambales, Bataan, Cavite at Batangas dahil sa epekto ng habagat.
Ang trough o extension ng ulap ang makakaapekto naman sa Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Laguna, Rizal, Quezon, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Compostella Valley at Davao Oriental.
Sa nalalabing bahagi naman ng bansa ay makakaranas din ng mga thunderstorms.