Isang bagong low pressure area (LPA) ang minomonitor ngayon ng PAGASA na nasa silangang bahagi ng bansa.
Batay sa 5am bulletin ng weather bureau, nasa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang LPA.
Samantala, patuloy namang makakaapekto sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas ang habagat.
Ang Western Visayas at Northern Palawan ay makakaranas ng maulap na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.
Ang Metro Manila naman at ibang bahagi ng bansa ay magiging maulap at posible ring makaranas ng mga pag-ulan ngayong araw.