Panibagong kidnapping ng ASG sa mga indonesian national sa sabah, malaysia, kinukumpirma ng AFP

by Radyo La Verdad | July 12, 2016 (Tuesday) | 1164
File Photo
File Photo

Panibagong insidente ng kidnapping ang naitala sa East Coast ng Sabah, Borneo Island Malaysia noong Sabado.

Ayon sa ulat ng Sabah Police, tatlong crew ng isang Indonesian tugboat ang dinukot ng mga armadong lalake na hinihinalng miyembro ng Abu Sayyaf lulan ng isang speed boat.

Patuloy naman ang pagkalap ng impormasyon ng militar hinggil sa panibagong kidnapping incident.

Samantala, closely coordinated naman sa mga lider ng lokal ng pamahalaan sa Basilan ang ginawang focused military operations ng AFP.

Ayon kay AFP Chief of Staff General Ricardo Visaya, gaya ng kaniyang ipinangako, 24 hours, 7 days a week ang pagtugis na ginagawa ng magkasanib na pwersa ng Philippine Navy, Air Force at Army.

Nangako rin ang mga tagapanguna ng lokal na pamahalaan sa militar na tutulong sa pagsugpo ng suliranin hinggil sa bandidong grupong Abu Sayyaf.

(Rosalie Coz/UNTV Radio)

Tags: , ,