METRO MANILA – Patuloy na nadaragdagan ng bagong kaso ang iba’t ibang COVID-19 Variants na nakapasok na sa bansa. Umabot sa 466 Delta (B.1.617.2) variant, 90 Alpha (B.1.1.7) variant, 105 Beta (B.1.351) variant at 41 P.3 variant cases batay sa inilabas na resulta ng Department of Health (DOH) at University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH) nitong Agosto 23 sa 476 genome sequencing sample na ipinadala sa University of the Philippine – Philippine Genome Center (UP-PGC).
Sa 466 na bagong kaso ng Delta Variant, 422 rito ay local cases habang 14 ang Returning Overseas Filipinos (ROF) at 10 ang patuloy pa na tinutukoy.
Isa sa mga ito ay Active Cases habang nasa walo ang namatay at 457 naman ang gumaling na. Sa ngayon ay mayroon nang 1, 273 kabuuang kaso ng Delta Variant.
Sa 90 na bagong kaso ng Alpha Variant, 89 rito ay local cases habang isa ang patuloy na tinutukoy. Isa rito ay active case habang walo ang nasawi at 88 naman ang gumaling na. Sa kabuuan ay mayroon nang 2, 322 Alpha Variant Cases.
Sa 105 na panibagong kaso ng Beta Variant, 101 rito at local cases habang 4 ang ROFs. Nakapagtala na rin ng 4 na nasawi, 99 ang gumaling, habang 2 ang patuloy na tinutukoy. Dahil dito, umakyat na sa 2, 588 ang Beta Variant.
Sa nadagdag na 41 P.3 Variant lahat ito ay local cases. Nasa 40 na rin ang gumaling habang patuloy na tinutukoy ang isa.
Hindi pa man matiyak ng DOH na maaaring mayroong community transmission ng Delta Variant sa bansa, ngunit una nang nakitaan ng community transmission ang Region IV-A at NCR una na dito dahil sa dami ng Delta cases at batay sa case investigations at phylogenetic analysis ng ahensya na hindi maaaring epidemiologically linked ang naturang mga kaso o pwedeng pinagmulan ng hawaan.
(Fe Gayapa | La Verdad Correspondent)
Tags: COVID-19 Variants, DOH