Panibagong dagdag-bawas sa singil sa tubig, ipatutupad na sa susunod na buwan

by Radyo La Verdad | June 9, 2015 (Tuesday) | 2685

MAYNILAD
Magkakaroon ng paggalaw sa presyo ng tubig sa mga consumer na sinusupplyan ng Manila Water at Maynilad.

Inaprubahan na ng MWSS ang tinatawag na adjustment sa taripa ng dalawang konsesyonaryo para sa 3rd quarter ng 2015

Ang adjustment ay magiging epektibo simula sa July 1 at magre-reflect sa bill ng mga consumer sa buwan ng Agosto.

Sa mga customer ng Maynilad, magkakaroon ng bahagyang pagtaas sa presyo ng tubig, mula sa dating 39 centavos kada cubic meter ay magiging 42 centavos kada cubic meter na ito.

Ibig sabihin sa mga komokonsumo ng 10 cubic meter kada buwan ay magkakaroon ng 12 centavos na increase habang ang mga komokonsumo ng 20 cubic meter ay may dagdag na 44 centavos.

Nag su-supply ng tubig ang Maynilad sa Manila, Quezon City, Makati, Caloocan, Paranaque, Las Piñas, Valenzuela, Navotas at Malabon

Bawas singil naman ang ipapatupad ng Manila Water, 3 centavos kada cubic meter ang ipapatupad ng Manila Water para sa 3rd quarter ng 2015.

Ibig sabihin sa mga komokonsumo ng 20 cubic meter kada buwan ay makakatipid ng 30 centavo, 60 centavos naman para sa mga komokonsumo ng 30 cubic meter

Nag su-supply naman ng tubig ang Manila Water sa Mandaluyong, Pasig, San Juan, Pateros, Taguig, Marikina at ilang bahagi ng Quezon City at Rizal Province. (Mon Jocson/UNTV News)

Tags: ,