Mas malaking bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ang inaasahan ngayong linggo.
Ayon sa oil industry players, two pesos and forty centavos hanggang two pesos and fifty centavos ang posibleng mabawas sa presyo kada litro ng gasolina.
Two pesos hanggang two pesos and ten centavos naman sa diesel habang one peso and seventy centavos hanggang one peso and eighty centavos naman sa kerosene.
Ito na ang ikalimang sunod na linggo na nagkaroon ng bawas-presyo ang mga produktong petrolyo.
Dahil pa rin ito sa patuloy na pagbaba ng halaga ng langis sa international market.
Tags: International market, oil price rollback, produktong petrolyo